Siya ang buhay ko… sapagkat sa kanya nanirahan ang aking puso’t kaluluwa… At kung mamamatay siya… kasama akong ililibing sa kanya…
Mahirap intindihin ang ganitong klase ng pag-iibigan. Magulo noh? Lalo na kung ikaw ay isang taong mulat sa nakasanayan nang kultura o tradisyon. Maaaring umiikot sa isipan mo ngayon ang tanong na: Sa paanong paraan nagagawang umibig ng isang lalaki sa kapwa niya lalaki? Nakakasuka… Nakakadiri… Nakakainis… Pero para sa akin… Nakakatuwa… Oo… umibig ako sa kapwa ko lalaki… At siya ang una at huling taong minahal ko…
Ang ganda naman ng garden niyo mare! At ang mga bulaklak… bonggacious! Ay! Wagi ang mga pigurin Sa’n mo naman ‘to nabili? Wow ha! Pumunta ka pa ng Davao para lang dito? Ang sosy mo mare ha!
Hay… gusto mo ba talagang malaman ang istorya namin ng kumpadre mo? Ay naku… sa ibang araw na lang… Ang haba kasi eh… Ano ‘yun? O sige. Promise mo ‘yan ha! Dapat maganda ang mga bulaklak at nakapaso na. Saka pahingi rin ako ng mga pigurin ha? O sige… heto na…
Ay! Anu ‘yun? Eh bakit ‘di umaandar? Ang cute pa naman din ng mga isda… Ay naku ipaayos mo ‘yan mare. Alam mo bang swerte sa feng shui ang kahit na anong gamit na may umaagos na tubig? Tingnan mo nga iyang estatuwang isda! Nakanganga nga… wala namang umaagos na tubig…O siya sige… ito na talaga…
Alam mo ‘tong mga piraso ng basag na paso? Ang tawag dito sa salitang Griyego ay “ostrakon”. Noong unang panahon sa siyudad ng Athens, may kaugalian sila ng pagsusulat sa ostrakon ng pangalan ng isang taong gusto nilang palayasin ng siyudad sa loob ng isang dekada. Kapag nakakuha ang taong iyon ng anim na libong boto, ligwak na siya ever… Bakit ko sinasabi ‘to? Dahil… ang isang basag na paso ay sumisimbolo sa isang basag na pamilya… basag na pagkakaibigan… basag na relasyon… at ang piraso nito ay sumisimbolo sa isang taong hiwalay sa iba… dinidiskrimina… minamaltrato… pinagtatawanan… taong katulad ko… isang bakla…
O siya… itong ito na talaga… ‘wag ka ngang atatitat diyan… ito na nga eh…
Bago pa man ako ipanganak, hiwalay na ang mga magulang ko… as in annulled talaga. Kaya naman lumaki ako sa puder ni Mommy. Siya ang nagpalaki’t nag-alaga sa ‘kin. Kapatid? Wala… At ‘di na nagkaroon pa. Ayaw na kasi ni Mommy mag-asawa ulit. Si Daddy naman, gano’n din… Dito na kami sa Sta. Mesa tumira ni Mommy pagkatapos naming lumipat galing Sampaloc. Habang si Daddy ay sa London na nagtrabaho bilang engineer at doon na rin tumira. Ayon sa pagkakaalam ko, lumaki si Daddy roon…
Magmula nang magkahiwalay sila, walang naganap na anumang bisitahan at naputol din ang anumang klase ng komunikasyon. Talagang mas pinili nilang magkaroon ng sarili at pribadong buhay. Hanggang sa…
May dumating na sulat galing London… galing ka’y Daddy… iniimbitahan niya ‘kong pumunta sa kanya para magbakasyon. Umoo naman si Mommy eh dahil daw si Daddy naman ang sasagot sa lahat ng gastusin. Inayos ko ang lahat na kakailanganin ko upang makalipad patungong London. ‘Di nagtagal ay nakarating nga ako sa lupang kinasasadlakan ng ama ko at nayakap siya sa unang pagkakataon… Nayakap ang amang naging estranghero para sa ‘kin.
Namasyal kami sa buong Brittanya. Kung saan-saan kami pumunta, kumain, namili… Alam mo… kulang pa ang dalawang buwang meron ako para makasama siya’t makilala… kulang pa… ‘Di naman ako nagtanim ng galit sa kanya sa kabila ng lahat ng nangyari… Bilib nga ako sa kanya eh… biruin mo? Niloko niya ang nanay ko pero ‘di siya nag-asawa ulit nang magkaroon siya ng pagkakataon… Siguro… mahal pa rin niya si Mommy… But I never raised that question to him before… Kung mahal niya pa rin ba si Mommy…
Isang araw sa parke, nangyari ang ‘di ko inaasahan. Nandun ako’t nakasandal sa puno ng Acacia… tinatanaw ang mga ilaw ng London at ang bilyon-bilyong bituin sa malayo habang unti-unting lumulubog naman ang araw… Bigla na lang may sumunggab sa aking Miniature Pinscher at tumakbo kaagad paalis dala ang librong binabasa ko. Eh siyempre pa! Tumatakbo yata sa Milo ang lola mo! Hinabol ko ‘yung aso at siya ang nagdala sa akin kay Lawrence…
“I am terribly sorry man… here… It’s already dry… I just finished wiping it. But, it still stinks. I’m sorry…”
Alam mo naman ang kagwapuhan ni Lawrence ‘di ba? Matangkad siya, blonde ang buhok, blue-eyed, maputi ang kutis, matipuno ang pangangatawan… hay… nakatitig lang ako sa kanya…
“Hey dude? Are you alright?”
Nagising ako nang iwagayway niya ang kanyang kamay sa harapan ko… nakakahiya nga eh… Nagpantasya daw ba sa harapan niya?
“Yeah thanks…”
Paalis na ’ko nang biglang…
“Wait.”
Humarap ako sa kanya. Ano kayang gustong mangyari ng taong ito?
“Are you the son of Alex?”
Pa’no niya naman nalaman ang pangalan ng tatay ko?
“I’m Lawrence. You are Oliver, right? I’m your next door neighbour. You’re Daddy and I are close friends. You know, he told me about your arrival. But… he did not tell me much about you… maybe because…”
“He doesn’t know me well. He did not raise me…”
“Well, I’m sorry about your book, anyway. Cedric is just… so…”
“Naughty?”
“Yes.”
“You know, I think he’s showing off.”
“Huh?”
“He’s showing that he’s naughty. Look…”
Tumingin siya sa aso niya na winawasak ang mga bulaklak matapos mag-iwan ng mga bakas ng putik sa batis na katabi namin.
“Cedric! You’re such a bastard!”
Napahiya siya talaga…
“It’s ok. You have an adorable dog.” Nang kinuha niya si Cedric, naisipan ko namang laruin ang mukha nito. Noong una’y sa aso ako nakatingin pero nang lumaon, sa kanya na… sa bughaw niyang mga mata…
“Very adorable…”
“Am I adorable or the dog?”
“Lawrence. You should know this…”
“Know what?”
“That I’m gay.” Susmariosep dela Santisima Trinidad y dela Paz! Nasabi ko ‘yun sa kanya? Napahinto siya… Napaatras ako… Pareho naming ‘di inaasahan ang mga pangyayari… Ilang sandali kaming nanahimik… Balak ko ngang umalis nang biglang…
“It’s OK. I don’t care of who or what you are. What is important is that I want to be a part of your life.”
"OK."
Naging magkaibigan kami… Naging matalik na magkaibigan…
Kapag wala kaming pupuntahan ni Daddy, si Lawrence ang kasama ko palagi… nagbibisikleta kami, kumakain, nanunuod ng sine, namimili ng mga damit, naglalaro kasama si Cedric, naliligo sa beach at kung anu-ano pa… Gaga! Ba’t naman kami magsesex noh? ‘Di pa nagiging kami…
Noong una ko siyang nakita, naakit ako sa kanya… Sa paglaon ng panahon, inibig ko na siya… Subalit… ilang ulit kong tinanong ang aking sarili… May puwang ba ‘ko sa puso niya?
Isang araw bago ako umuwi ng Pilipinas, nagkita kami sa lugar na kung saan kami nagkakilala. Nakaupo siya sa ilalim ng punong Acacia kasama si Cedric… palubog na ang araw at isa-isa nang nagsindihan ang mga kandila ng langit… Tinabihan ko siya… niyakap niya ‘ko’t naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha…
“There’s something you have to know… I’ve been thinking about this for a hundred times now… Oliver, I’m in love with you.”
Ay naku mare… Siyempre kinilig ako pero… mas nangibabaw ang gulat at lito sa ‘kin. ‘Di ko akalaing maganda pala ako? Ay naku… isipin mo nga? Sinong gwapong lalaking kayang paibigin ang ilang daang babae ang magmamahal sa isang katulad ko noh? ‘Yung idea pa nga lang na bakla ako, nakakasuka na ‘di ba?
“I love whatever you are… I don’t care what others will think or say against us… Oliver, I’ll fight for you and for our love… Until my last breath.”
‘Di ko akalaing ang taong minahal ko ng palihim ay magagawa rin akong mahalin… Oo… isang panaginip na nagkatotoo… kaya naman sinabi kong…
“I love you too Lawrence… I love you more than you do.”
Pagkalipas ng dalawang buwang pagkakaibigan, nagpakatotoo kami sa isa’t isa. Inamin namin sa wakas ang tunay naming nararamdaman. Naging magkasintahan kami. At sa parehong lugar at oras kung saan kami unang nagkakilala, naglapat ang aming mga labi at nangakong muling magkikita at iibig sa isa’t isa… magpasawalanghanggan…
Heto… pakinggan mo ‘tong nirecord ko… boses niya ‘to nung araw na iyon bago ako umuwi, pinakanta ko sa kanya ang kantang alay niya para sa akin…
Love me tender,
love me sweet,
never let me go.
You have made my life complete,
and I love you so.
Love me tender,
love me true,
all my dreams fulfilled.
For my darlin' I love you,
and I always will.
Love me tender,
love me long,
take me to your heart.
For it's there that I belong,
and we'll never part.
Love me tender,
love me true,
all my dreams fulfilled.
For my darlin' I love you,
and I always will.
Love me tender,
love me dear,
tell me you are mine.
I'll be yours through all the years,
till the end of time.
Love me tender,
love me true,
all my dreams fulfilled.
For my darlin' I love you,
and I always will.
Ilang taon din kaming ‘di nagkita. Pinili naming magsulatan upang maibsan ang pangungulila para sa isa’t isa. Bakit sulat? Alam mo mare, ang mga e-mail at text messges, kaya mo ‘yang burahin ng isang pindutan lang! Ang sulat, kayang magtagal ng ilang daang taon at pwede mo pang pabanguhan!
Nagtrabaho ako ng ilang taon dito bilang nurse. Nang maayos ko na ang mga requirements para magtrabaho sa London, lumipad ako kaagad. Wala namang kaso kay Mommy ang ginawa kong paglipat kay Daddy… naiintindihan din naman niya siguro… Ama ko rin ang taong hiniwalayan niya…
Pagbaba ko ng eroplano, dalawang tao ang inaasahan kong sasalubong sa akin… Pero paglabas ko, aba! Si Daddy lang? Nagtaka ako kaagad…
“Hi Dad… si Lawrence?”
“Wala eh… May gagawin daw… umalis siya kaninang umaga sakay ng kotse niya…”
“Saan naman pupunta?”
“Hindi ko alam eh… Mahal mo ba talaga siya ‘nak?”
“Oo naman Dad. Akala ko ba walang kaso sa inyo iyon?”
“Wala nga… nag-aalala lang ako sa ‘yo.”
“Bakit?”
“Baka masaktan ka lang… Lalaki siya… maghahanap at maghahanap din iyon ng babae.”
…Tama si Dad… ‘Di ako dapat nagmahal masyado… Sa mga unang linggo ng pagbalik ko roon, naging malamig sa akin si Lawrence…
Isang araw, galing ako ng trabaho… madaling araw na ‘ko umuwi. Pagdaan ko sa bahay nila… nakita ko siyang nakikipagtalik sa isang babae. Nagulat ako pero ‘di ko na sila sinugod. Kinuhanan ko na lang sila ng letrato at agad na nagpahinga… mag-chacharge lang ako sandali at saka ko susunggaban ang hinayupak na ‘yon…
Labis ang pag-iyak ko nung araw na ‘yon. Ayos lang sana kung nalaman kong magkasintahan sila o ‘di naman kaya’y makita silang naglalandian sa isang sosyal na restawran. Pero hindi eh! Pareho silang puta na walang magawa kundi magsiping kahit na dilat na ang araw! Galit ako… Nagngingitngit sa galit…
Kinabukasan, kinausap ko si Lawrence…
“Hayop ka!” Hinampas ko siya ng unan.
“What the heck are you talking about? I can’t understand you!”
“Wala akong pakialam!” Binato ko siya ng kumot. “At least, kapag Tagalog, kaya kong sabihin sa iyong napakalaki mong ahas dahil traydor ka! At ang malala pa doon, nagawa mo pang gamitin iyang ahas mo sa iba! Hayop ka! Sinungaling! Manloloko!” And for the main event, tinapon ko sa kanya ang Laptop niya. As in tumama sa dibdib niya na naging dahilan para matumba siya.
“That’s it! What do you want?”
Pinakita ko sa kanya ang picture niyang sarap na sarap na nakikipagtalik sa babae… Nagulat siya…
“Oliver. Let me explain!”
“I don’t need any of your explanations Lawrence because you will just lie to me. It’s enough that I saw you having sex with a woman. You are not loyal to me… You’ve never been loyal to me… And I curse you for that! I curse the day you were born!”
Sinabi ko sa kanya ang huling linyang iyon habang nanlilisik ang aking mga mata at madiin ang pagkakaturo ng daliri ko sa pagmumukha niya. Lumabas ako ng bahay nila. Sobrang lakas ng buhos ng ulan noong panahong iyon ngunit ‘di ko iyon inalintana. Sumulong pa rin ako para lang makalabas sa pamamahay niya… Hinabol niya ‘ko… Nagmamakaawang patawarin ko siya… Sa gitna ng kalsada, lumingon ako sa kanya. Basang-basa kami ng ulan… Basang-basa…
“You cheated on me for eight years… Why? Why didn’t you just tell me that you don’t love me anymore? Why didn’t you just end this relationship before? Huh? Why?”
“Oliver I loved you and I still love you. I never cheated on you but yes! I lied.”
“You never cheated? So what do you call it then? Love! Huh? What!”
“Oliver I am a guy. And I should be having a relationship with a girl.”
“Then for what purpose you told me you love me… for all eternity Oliver? Fuck you! Don’t you ever mess up with me again because you will see yourself taking a bath with your own blood someday.”
“Oliver I love you and you know that. I don’t love that woman. I just want to taste what I should taste!”
“Damn you! You should never let me hope for something impossible to happen! You should just let me go. You cannot say that you love me because you don’t and you didn’t! Gusto mo nang babae? Sige! Makipag-kiskisan ka sa babae! Dahil magmula ngayon, wala na ‘kong nakilalang Lawrence!”
Umalis ako… Siguro kaya ‘di na niya ‘ko pinigilan pa ay dahil naintindihan na niya sa wakas na galit talaga ako at imposible nang mapatawad ko pa siya… Tama nga si Daddy… Ang lalaki’y para sa babae…
…
…
Siguro tadhana na ang nagtakda. Pumasok siyang doktor sa ospital na pinagtatrabahuhan ko isang taon matapos ang nangyaring away namin at paghihiwalay… Nagkita kami ulit… Kita lang… ‘Di kami nag-usap… Parang ‘di kami kahit kailan nagkita… Parang ‘di kami kahit kailan nagkakilala…
Isang dapithapon, dinala ako ni Daddy sa parke kung saan kami ni Lawrence unang nagkakilala. Actually, birthday ko nung araw na ‘yun. Pagdating namin do’n, tumambad sa ‘king harapan ang napakaraming kandilang nasa loob ng mga baso, mga paro-parong nagliliparan at lahat sila’y nakapalibot sa isang hapag-kainan. Naroon din ang isang choir ng mga bata na pinangungunahan ni Lawrence… kinakanta nila ang kantang alay niya sa ‘kin… alay ni Lawrence…
Niligawan ako ni Lawrence sa unang pagkakataon… natakot akong muling masaktan kaya hindi ko siya kaagad sinagot ng “oo”. Isang taon mahigit muli ang lumipas at sa wakas ay naging kami ulit. Naintindihan ko na sila… Ang lalaki ay para sa babae… Sinabi ko sa kanyang OK lang pero pinakita niya’t pinatunayan sa ‘kin na mahal nga niya talaga ‘ko… Ni minsan magmula no’n, ‘di siya umibig sa iba… tanging sa akin lang…
Naging masaya kami… tila wala nang makahahadlang pa… ngunit… may sumira ng mga pangarap ko…
Sinugod namin sa ospital si Daddy. Nakahandusay siya sa hagdanan pagdating ko at wala nang malay. Sabi nila stroke daw… malalang malala… Tumawag ako kaagad kay Mommy… pinipilit ko siyang papuntahin doon para bisitahin si Daddy… pinipilit palambutin ang puso niyang bato.
“Mhie ano ba! Bibisitahin mo lang naman ‘yong tao ah! Ilang buwan lang ‘yon! O sige linggo… Anu namang masama doon?”
“Oliver, nanumpa ako sa sarili ko na ‘di ko na titingnan o lalapitan ang gagong iyan! Pwede ba? Kung mamamatay siya, ayos lang sa ‘kin ‘yon!”
“Mhie! Magsalita raw ba tungkol doon? Gusto mo ba talagang mamatay si Dad?”
“Oo!”
“Kahit papaano naging asawa mo siya at hanggang ngayon ama ko pa rin siya! Kailangan ka niya Mhie… Kailangan ka namin!”
“Ay naku! Baka mapagod lang ako.”
“Mapagod? Hoy Maria Criselda! Tatlong araw na ‘kong walang pahinga dito ha! Eh kahit naman dumating ka rito wala ka pa ring gagawin eh! Nurse ka ba? Doktor ka ba? Mas pagod pa nga sa ‘yo ‘yung janitor! For God’s sake! Kalimutan niyo na ang nangyari noon! Eh hindi pa ’ko pinapanganak issue na ‘to ah!”
“HINDI! As in capital H-I-N-D-I with an exclamation point! Kahit kailan ‘di ko makakalimutan ang ginawa niyang panloloko!”
“Pero hindi naman siya nag-asawa nang magkaroon siya ng pagkakataon!”
“Oliver…”
“Ano!”
“Dapat mong malaman ang totoo…”
“…”
“Hindi sila pwedeng ikasal ng kalaguyo niya dahil… nakipag-relasyon siya sa bakla…”
Nahulog ang cell phone ko sa hagdanan ng ospital… nasira… nawasak… pati ako… parang nahulog, nasira’t nawasak sa narinig ko… Lumitaw sa aking isipan ang mga pagkakataong tumitingin ako sa mga damit pambabae… mga mannequin… nanunuod ng mga beauty pageant… pagkatapos ay ilalayo ako ni Mommy sa kanila… pinapalo niya ‘ko… sinasampal… Umulit sa aking pandinig ang huling salitang binitawan niya… bakla… Ayaw niya ‘kong matulad kay Daddy… Umiyak ako magmula no’n. Nakipag-relasyon ang tatay ko sa bakla… sino siya?
Isang araw, nakita ko ang letrato ni Daddy kasama ang isang lalaki… pinakita ko iyon kay Dad at tinanong siya kung sino iyon…
“Si Philip ‘yan. Ama ni Lawrence.”
“Tell me about him… about the two of you…”
“Minahal ko siya. Bata pa lang kami, magkasama na kami niyan. Nung high school lang namin inamin na may pagtingin kami sa isa’t isa. Pero, pinilit siya ng mga magulang niyang ipakasal kay Dianne dahil bagay naman daw sila at matagal nang magkaibigan ang mga pamilya nila. Nasaktan ako sa nangyari at hiniwalayan siya. Nang umuwi ako ng Pilipinas, nakilala ko si Cris, ang mommy mo, at nagpakasal kami. Ngunit… nabigo ako sa pagtangka kong paglimot sa taong tunay kong minahal… Binalikan ko siya. Nagtanan kami. Nalaman ni Dianne. Sinugod kami. At… kinalabit niya ang gatilyo sa harapan ko pero… sinalo ni Philip…”
Umiyak si Dad… mahal niya talaga si Philip… gaya ng pagmamahal ko kay Lawrence…
“Sana ako na lang ang namatay… Sana ako na lang…”
“Dad…” Niyakap ko siya…
“Oliver if you really love each other, go. Sundin niyo ang puso niyo.”
“Pero si Mommy, kapag nalaman niyang bakla rin ako, baka ‘di na niya ‘ko mapatawad.”
“Oliver”
Ilang buwan pa ay namatay na si Daddy… sumama na siya kay Philip… Ang tunay niyang minahal…
Inuwi namin ni Lawrence ang katawan ni Dad sa probinsiya niya para doon iburol at ilibing. Hindi ko na kinulit pa si Mommy. Pero… Laking gulat ko nang makita ko siya roon… umiiyak… ‘Di ko alam kung matatawa ba ‘ko sa arte niya… Maiiyak sa ginawa iyang pagdamay… o… magagalit sa walang awa niyang pagtaboy kay Daddy… at sa akin…
“Masaya ka na? Wala na siya… Wala na silang dalawa…”
“Oliver…”
“May ginawa ka ba? Ang kapal ng mukha mong pumunta dito’t umiyak na parang hanggang ngayon mahal mo pa rin siya!”
Sinampal niya ‘ko…
“Bakit Mhie? Guilty ka? Mahal mo pa rin siya?”
“Hindi! Sinampal kita para tumigil ka sa pagsasalita ng mga kasinungalingan!”
“Eh ‘yun naman pala eh! Hindi mo naman pala siya mahal! Paano mo nagagawa ‘yun? Magalit sa isang taong hindi mo mahal dahil nakipag-relasyon siya sa iba?”
“…”
Sinampal ko siya… sa unang pagkakataon… Sinampal ko siya…
“Magising ka nga Mommy! Hindi mo siya mahal at mas lalong hindi ka rin niya mahal! Noong una, akala ko, kailangan ka niya… Pero nagkamali ako… Hindi ka niya kailangan at hindi rin kita kailangan!
“Bakit ba si Alex ang kinakampihan mo? Bakit hindi ako na nagluwal, nagpalaki’t nag-alaga sa ‘yo! Pinakain kita. Binihisan kita. Pinag-aral kita. Minahal kita!”
“Bakit? Mamahalin mo pa ba ako kapag sinabi kong nakikipag-relasyon ako sa anak ng tunay na minahal ng dati mong asawa? Kapag sinabi ko sa ‘yong bakla rin ako… Mamahalin mo pa rin ba ako?”
Hinila niya ako palabas ng gate… nagpupumiglas ako…
“Hindi ka bakla! Uuwi tayo sa bahay at hindi ka na babalik pa ng London!”
“Pero Mommy mahal ko si Lawrence! Hindi niyo ba naiintindihan! Nagmamahalan kami! At hindi na ‘ko bata para diktahan kung anong gagawin! Alam kong mahal ko si Lawrence at mahal niya rin ako.”
“Mahal? Mahal mo bang maitatawag ang emosyon niyo para sa isa’t isa! Nagmamahalan ang lalaki at babae! Hindi pwedeng lalaki sa lalaki!”
“Mahal? Anung alam mo sa salitang mahal? Nagmahal ka na ba?”
Hindi siya umimik…
“Nagmamahalan kami… Hanggang sa pagtanda namin… magmamahalan pa rin kami… Magkasamang mabubulok sa lupa ang mga katawan namin dahil iisa kami…”
Napahinto siya… Napaatras…
Pagpasok ko, nagbubulungan ang mga tao… Sinigawan ko sila…
“Hoy! Hindi namatay sa AIDS ang tatay ko! Kung may AIDS man kami, kahit na yakapin pa kita ‘di ka pa rin magkakaroon! Malinis ang tatay ko! Malinis kami!”
Nang magbalak kaming magpakasal, sa Nevada namin naisipang gawin. Nang dumating ang araw na pupunta na kami roon, napilitan akong mauna. Nagkaroon ng emergency kasi sa ospital. May operasyong siya ang tanging surgeon na bakante. Sinabi ko nang maghihintay na lang ako pero mapilit siya. Nauna ‘ko… Pagdating ko ng Nevada, naisip ko, ito na ang araw na pinakahihintay ko… sa wakas… ikakasal na kami…
Pero… Naglabasan sa mga balita na sumabog ang eroplanong sinasakyan ni Lawrence… Nataranta ‘ko… Umiyak… Sinabi ko sa sarili ko… It was love. But it was not meant to be.
Biglang may pumasok sa room ko. Akala ko room service. Hindi pala. Si Lawrence.
“The news are shocking! I can’t believe I just escaped death! I flew by another airplane―”
Hinalikan ko siya. Ang taong akala ko na nawala na sa buhay ko.
Ang isang basag na paso, tinatapon na… Pero… pwede pa namang kumuha ng panibagong putik ‘di ba? Ihulma ito at patigasin hanggang maging isang matibay na paso… Maaari namang muling ibuo ang mga nasirang relasyon, pagkakaibigan at pamilya… Ngunit ang hindi na talaga mabubuo pa ay ang nasirang komunidad dahil sa aming mga bakla… kaming mga piraso ng basag na paso… na umalis na’t bumuo ng sarili naming paso… sarili naming buhay…
=END=
No comments:
Post a Comment