Saturday, August 14, 2010

in your eyes

so hanggang tingin na lang ba ko?? pwede namang more than that di ba??? ba yan.. nakakainip na lord! :)

hanggang kailan ko siya iiwasan? hanggang kailan ko pipilitin sabihin sa sarili ko na "tapos na yun... parte na siya ng nakaraan mo.." :)

tiningnan ko siya, lumingon din siya. at sa kabila ng malayong agwat naming dalawa, may naramdaman pa rin akong kakaiba.... at sabay kaming nagpatay-malisya.. :)

sa mata mo makikita ang kaluluwa ng isang tao.. at dito mo mababasa ang mga saloobin nito... at kanina ang ika-7777 na beses na nakita ko ang aking mukha sa kanyang mga mata :)

posible bang mahalin mo ang isang taong hindi mo kilala ng personal at tanging nakikita mo lang siya araw-araw at naririnig siyang nasa kabilang banda lang ng mataas na pader na humihiwalay sa inyong mga tahanan? :)

nalaman kong POSIBLE

isang tingin lang at limot ko na ang lahat :)

isang araw nasa veranda lang ako ng aming bahay at sa di ko maipaliwanag na dahilan, ay buong araw ko siyang hinihintay na dumaan, nag-aasam ng kahit isang sulyap man lang. ngunit d siya dumaan... hindi. :(

isang araw umuwi ako galing pamantasan.. ang lakas ng ulan ngunit wala akong payong at wala ring sapat na pera pangtricycle.... at habang nagmamadaling naglalakad, nadatnan ko siya sa bungad ng aming kalye, hawak ang isang payong at akbay ang isang babae.... napatingin lang ako sa kanya, at tila di niya ko nakita na para bang d ako nabubuhay sa mundong ito... :(

sa isang tingin, nalimutan ko ang lahat...

nabasa ako sa ulan,
nawala ang pagmmahal ko para sa kanya...

...sa isang tingin lang ninais kong tapusin ang lahat...

kaya minabuti kong bulagin na lang ang sarili ko... nang sa gayon ay d na magtagpong muli ang aming mga mata..

(ito ang pangalawang txt blog na ginawa ko. sayang yung una kasi hindi ko nagawang ilipat sa computer galing sa cellphone ko dahil nanakawan ako agad)

No comments:

Post a Comment